Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

MusicJan 7, '09 7:05 PM
for everyone
Finally, it's here!
Full preview of Utada's new US mainstream single Come Back To Me.
Best christmas gift na nareceive ko kahit hindi na christmas lol. Made me really happy today. Hikki this time yoo will not phail pramis! Gagawin kong batas sa Pilipinas ang pagbili ng new US album mo! LOL.

Mornin mornin.
Come Back To Me Come Back To Me Utada 

Blog EntryDec 24, '08 9:13 PM
for everyone
  At dahil hindi na ako makakapaghintay pa ng bagong taon, ito na ang aking uh christmas slash new year's resolutions: (masyado na akong madaming kasalanan sa sarili ko, kelangan ko nang magbawas ng guilt at konsensya.)

1. Next year, MAGTITIPID NA AKO. Babawasan na ang pagkakape at dadalasan na ang pagkain ng libreng food sa pantry. Hindi narin tatambay sa mall at pramis sa maliwanag na lugar na ako magbabayad ng pamasahe sa tricycle para hindi nalalaglag yung pera ko.

2. MAGIGING MASIPAG NA AKO AT TATAPUSIN KO NA LAHAT NG NAUMPISAHAN AT UUMPISAHAN KO. Masyado akong madaming unfinished bisnis ngayong taon. Mga torrents na hanggang ngayon ay 1% parin, mga yaoi novels at kikay books na hanggang ngayon ay may dog ears parin, RPGs na hindi tapos, anime series na napabayaan, at kukong hindi nagupitan dahil tinamad akong gawin ang mga dapat gawin. (sa mga naapektohan ng katamaran ko sorry)

3. MAGDADIET NA TALAGA AKO. (kelangan ko pa ba talagang i-elaborate kung bakit?)

4. BABAWASAN KO NA ANG PAGSISINUNGALING SA SARILI KO. Lalo na pagdating sa weight at love life.

5. BABAWASAN NA DIN NG KONTI ANG CYBER LIFE. Napansin kong masyado na akong nagtatagal sa harap ng pc monitor. Masyado nang madalas magpost sa plurk, magharot sa YM, at mag-pindot ng F5 para tignan kung may bagong bisita ang blog kong uber sa kasikatan lol.

6. MAGIGING TAHIMIK NA AKO SA OFFICE. Para iwas gulo at para hindi ako napagbibintangang may histrionic personality disorder. At para walang naiinis sakin sa floor dahil seryoso sila at ako hindi.

7. At panghuli, AAMIN NA AKO KAY ANO NA ANO. Kasi ano. Tapos ano na. At ano narin ang mga ano. Kaya ano pa nga ba ang ano kung ano ang ano diba?

Alam kong wala pa sa 14% ng nasa listahan ang matutupad ko. Pero I'll do my best. Babaguhin ang dapat baguhin. At pagyayamanin ang dapat pagyamanin. At uh, bawasan ang dapat bawasan (lalo na ang waistline).

Happy Holidays sakin at sa inyo!


Blog EntryNov 9, '08 3:58 AM
for everyone
Maglilipat na ako ng blogging tahanan.
GMA lang ba ang may karapatang magexpand ng studio?

Pero wag mabahala.
Dito parin ako magpopost ng mga litrato.
Kaya di niyo rin ako mamimiss.
Nge as if may nakakamiss.

Sige sige.
Byers.

Blog EntryNov 7, '08 9:03 PM
for everyone
Susuko na sana ako sayo.
Matutulog na talaga dapat ako nang bigla ko tong nakita sa youtube, kaya dedeadmahin muna kita sandali.



New Perfume vid para sa bago nilang single na Dream Fighter.
Coolness. Parang computer city PV na may bubble effects para madrama.
Super like ko yung vid, and imho it's their best PV so far.
Hopefully, mag no. 1 din 'to gaya ng previous single nilang love the world.

Ayun lang.
Sukuan na.

Noyt!

Blog EntryNov 6, '08 9:23 PM
for everyone
Sorry napabayaan kita.
Sorry nabaliw na naman ako nitong mga nakaraan.
Nawalan ng ganang magpost ng photos, magpaskil ng rants, at iupdate ang mga dapat iupdate dahil sa kakadaydream at kakaisip kay crushie. (Please insert wasak na wasak ang puso ni nastimak bgm here.)

Marami naring nagbago mula nung last post ko.
Una, schedule. Four-day work week na ang pasok ko. Oki din. Tatlong araw akong pwedeng magdaydream at magkape. Pero ngarag. Isang linggo pa nga lang ako sa sched na 'to e nagkasakit na agad ako.
Pangalawa, pumayat na ko ng konti. (dear readers, walang kokontra or else.) Iniiwasan ko na kasi si Porky pig at Moo. Malapit ko naring galitin si Tweety bird pero wag muna. Di pa ko handang pakasalan si Flounder.
Pangatlo, malaki na si Banana. Oo lumaki na ang Banana ko! Malapit ko na siyang ipasok sa daycare center para matutong maglinis ng classroom at bumili ng Mikmik. Kawawang aso, mamumulat na siya sa mapait na katotohanan ng mundo.
Pang-apat, wala na akong balak magkunwari. Tama na ang press release na masaya ako sa pagiging single at na nakausad na 'ko. Dahil hindi pa. I'm very proud to say na lulong na lulong parin ako sa drogang kilala sa alyas na pag-ibig. (kesooo!)
At panlima, ehem ehem tapos ko na ang Twilight. (sorry, ugali ko ang makiuso walang basagan ng trip.) Nakakakilig ang love story ni Bella at Edward. Parang Rico at Claudine lang nung nasa Mula sa puso pa sila.

Ayan, dinadalaw na ako ng antok.
Til' next time my dear multiply account!
Pangako dadalasan ko na ang pagdalaw sayo.
Ja ne!

Photo AlbumDear food,Oct 26, '08 7:31 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Galit na ko sayo.
Magdadiet na ko pramis.

Antaba ko sa pics, like uh, fat!

Sige late na ko.

Belat.

(ang mga larawan sa post na ito ay kuha kagabi, kung kelan nagsleepover na naman kami ng mga butihin kong kaibigan at kung kelan nafeel ni Elji na victimized siya)

Blog EntryOct 26, '08 1:39 AM
for everyone
Dahil sayo nasira ang araw ko.
Di mo na ako pinatahimik.

Alam na alam mo kung pano ako mapapakilig.
Di ko tuloy magawa ang mga dapat gawin.

Edit photos from last night's sleepover FAIL.
Sleep FAIL.
Eat FAIL.
Brain function FAIL.

Heartbeat FAIL.

Wrong timing kang dumating.
Kung kelan unti-unti na akong nakakausad.

:'-(

Photo AlbumDear boses,Oct 24, '08 9:06 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Ayokong mahulog sayo.
Hindi ka totoo.
Di kita nakakausap gaya ni magic flakes person.
Di nakikita gaya ni snickers person.
At di ko alam kung wet ang kamay mo gaya ni officemate.

I'm a reality person tandaan mo yan!
Gorr!

(readers, walang kaugnayan ang mga sinabi ko sa mga larawang nasa post na ito. Ang mga imaheng yan ay kuha kahapon kung kelan dinalaw namin si Sir Ronald sa BSU at si ateng masungit sa Mabuhay.)

Blog EntryOct 24, '08 12:08 AM
for everyone
Alam kong hitech ka na.
Digital ka na ngayon kaya mabilis na ang pagdevelop.
Di na kelangan ng negative.

Please karma, ikaw na ang bahala kay ano.

Kung di mo kayang mag-isa, pwede kang manghingi ng tulong sa powerhouse cast ng Jigoku Shoujo para derecho na sa impyerno ang kaluluwa ng salbaheng batang nagpapasakit ng ulo ko ngayon.

Haaaay ayokong masira agad ang unang araw ng aking much awaited 2 day off.
Amoy alak pa naman ngayon. (Tita Happy Beerday ulit LOL)
At after 48 years, 48 percent na ang UU download ko. 13 more hrs at makakapiling ko na ulit si Hikki. Ang saya.

Kaya nakikiusap ako kaibigan. TULONG!
Yun lang.

Thank you. ^^

P.S.
Feel kong magkape ngayon kaso mas broke pa ko sa mountain.
Pautang naman kung may pera ka.

Photo AlbumDear Perfume Fans,Oct 23, '08 7:05 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
CD Jackets for the Dream Fighter single already revealed!
(Pictures courtesy of http://www.amuse.co.jp/perfume/)

Single Specifics:

Title: Dream Fighter
Code: TKCA-73390 (CD+DVD); TKCD-73395 (CD-only)
Release Date: 2008.11.19
Price: ¥1,300 (CD+DVD); ¥1,000 (CD only)

Tracklist

1. Dream Fighter
2. Negai (願い; Wish)
3. Dream Fighter -Original Instrumental-
4. Negai (願い; Wish) -Original Instrumental-

Antagal. Pero may good newses!
On October 29, the single will already be available in digital format thanks to chaka-uta. I'm just not sure kung full song ang irerelease nila.

Ayun lang.
Late na ko.

Oyasumi ^^.

Blog EntryOct 22, '08 1:09 AM
for everyone
Sinira mong bigla ang mood ko.
Hindi mo ako pinaligaya gaya ng ginawa ni Jerome sa TM Scandal.
Bastos na bata.



I kell you!

(sa mga alam na to, sorry naman kung huli ako sa balita XD)

Blog EntryOct 21, '08 11:59 PM
for everyone
Damang-dama kita today.

Madaming reasons para maging masaya eh:
+ Una, dahil Soul Eater 29 is finally out!
+ Ilang days nalang the full version of Eternally ~Drama Mix~ will already be available.
+ Heart Station will be used as the new Doraemon movie theme song.
+ Birthday ni tita ngayon. (Happy Beerday tita!)
+ Binigyan ako ng bottled water ni officemate.
+ Di masyadong bongga ang paghihintay ko ng FX ngayong araw.
+ Two days nalang bago ang off ko yahee.
+ I have reached plurk nirvana sa wakas.
+ At officially, nakapagmove on na ako. (oo, sayo ^^)

Narealize ko na di lang through lurv kita mararamdaman.
Pwede namang through friends, family, pera, pera at pera diba?

Yun lang. Ingats.
Btw, pakisabi sa kumpare mong si procrastination damang dama ko rin siya ngayon. Kaya di ko pa maedit at mapost ang maraming litratong alam kong inaabangan na ng lahat.

Ja ne!

Blog EntryOct 20, '08 6:03 AM
for everyone
Ang galing mo.
Naging instant hit ka agad sa floor.
Household name na ang Jerome, at naging usong batian na ang I KELL YOU sa NCO. How sweet.

Beerger session kanina at trinormal with L and Ate Kat.
Pink Movie Film Festival din ang drama after kila Boss Will.

Gusto ko pa sanang magplurk, magbasa, kumain, magpost ng pics, makiramay kay tita, pakainin ang doggies, mangulit sa YM, mag-incognito mode sa Chrome at magpost ng rants pero inaantok na talaga ako.

At may 6 hr boreland adventure pa ko bukas.
Tulugan na!

Once again, congrats sa pagiging number one today sa NCO pop culture charts!

IDOL!!

Photo AlbumDear pasmadong kamay,Oct 18, '08 6:49 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Kasalanan mo kung bakit mukha kaming sinapian at nagheheadbang sa ibang mga litrato.

(Sa mga hindi nakakaalam, ang mga larawang ito ay kuha noong biyernes, kung kailan idinaos ang isang maliit na beerger session slash sleepover starring Eljay, ang camwhorelet, Jennel ang babaeng ayaw ng jacket sa bag, Ian na ayaw magpahawak ng liftaf na cellphone, Elmer na sadista sa DS, DE na negotiable ang presyo ng tinitindang PSPs, at ang inyong lingkod.)

Sige.

Blog EntryOct 18, '08 4:39 AM
for everyone
How dare yoo pause my perfume torrent download?
Pakialamerong frog.

Ansakit pa naman ng ulo ko. Ang init kasi.

Beerger session last night was not so beery, pero enjoy parin. Nagsleepover kami kila Elmer.
Marami rin akong narealize kagabi.

Teka bat ko ba sayo kinekwento to?!

CHE! Palaka!

Blog EntryOct 17, '08 3:56 AM
for everyone
Tuloy ang session mamaya with my beery good friends.

Marami akong ikekwento sayo kaya humanda ka.

Mga inis ko kay crushie.
Mga kilig moments with wet officemate.
Ang lumalaki kong weight na isa ka rin sa mga salarin!
Ang sirang DVD player. (Dad please, hindi ka scientist oke?)
Ang parfail na facial.
ATBP.

Beerday din ni inay ngayon kaya dapat magcelebrate! (Habeerdi ma!)

Kitakits! Hugs hugs.

Blog EntryOct 16, '08 5:17 PM
for everyone
Ang kati mo!
Kainis ka. Kaya siguro di ako makatulog.
Pasaway na siko. Pakinggan mo nalang to para hindi ka nangangati.

Behold Touch Mobile Customer Service at its finest.
(Sa mga readers, kung meron man ulit, alam kong luma na to. Eh sa huli ako sa balita e. Walang basagan ng trip, lalu na ikaw Bumblebee! Sinira mo ang show off moment ko kahapon LOL)



Fail! Ang kati mo parin.
Bahala ka na nga. Matutulog na talaga ako.

Che!

Blog EntryOct 16, '08 3:15 PM
for everyone
Sorry pero hindi yata tayo magkikita sa November 16.

Sayang ang Early Bird Promo ng Ticket World pero baka konti ang kubrahan sa next pay day dulot nga ng pagkakaabsent ko tonight. Kung may extra man isasave ko nalang para sa future namin ni officemate lol.

(Readers, kung meron man, wala kayong nabasa oke?)

At di parin ako makatulog.

Ayon. Goodluck sa concert!
Hi nalang kay pareng Chris!

Bye.

Blog EntryOct 16, '08 6:58 AM
for everyone
Second cup na kita.
Pero di parin ako tinatablan. Mukhang di na talaga ko makakapasok.
Second time kong maabsent.
Black out date at 12 hr shift, o ha, laban ka?

Ayokong himatayin tonight. Wala naman si officemate para buhatin ako papuntang clinic.
Well kahit nandiyan siya i doubt na mabubuhat niya ako.
(Officemate, libre ang pagkain sa pantry oke? Wag kang mahiya.)

Kapeng Mainit pag naubos na kita, off to dreamland na ko.
Sana lang makatulog na talaga ako.
I have a beerger session tomorrow kelangan ko ng energy!
(calling all beerger friends may session bukas oke? Bawal malate!)

Sosyal ka Kapeng Mainit, sayo nakadedicate ang second post ko.
O sya, hanggang dito nalang.
Hi mo ko kay pareng coffee bean at barako oke?

Noyt.


Blog EntryOct 16, '08 5:36 AM
for everyone
This is my first post.
My second attempt to blog.
And my nth attempt to defeat graphophobia the meanie.

Wala pa akong tulog world.
Tried everything.
Nagplurk, nagbunganga, nanood ng updates, nagplurk, nagYM, gumawa ng twitter account, nagbura ng text messages ng mga pangit na textmate, tinitigan ang friendster profile ni crush, nagplurk, nagbukas ng mail, tumanga, nagplurk, uminom ng melamine, nanood ng Eat Bulaga!, nagbasa ng Twilight, uminom ng kapeng bigas, nagplurk at nagplurk.

Namention ko ba na nagplurk din ako?

Pero fail. Gising parin ako.

At world, loner ang drama ko mamaya sa office. 12 hours ng kalungkutan at boredom. 12 hours kong mamimiss si officemate na wet ang kamay.
(Hoy officemate kamay mo ang wet hindi sakin, remind ko lang! Wet ka! Wet!)

At dito nagtatapos ang madamdamin at inspiring kong first post.
Salamat world. Hugs hugs.

Nagmamahal,
Bigas